"What is life without freedom? What is freedom without happiness? And what is happiness without people to share it with?"

Monday, February 3, 2014

Ikaw.

Naghihintay pa rin ako.

Sabi ni friend, i-pray ko kay God, tas dapat "be more specific."

Ngumiti ako. Kasi naisip ko, hindi nga naman ako masyadong naging specific kay Lord sa pagdarasal ko! 21 years na. Gusto ko kasi, mabait, may pinag-aralan, may plano sa buhay, at napapatawa ako. Yun lang naman. Hindi ko masyadong iniisip kung gwapo ba, mayaman, thoughtful, o yung palaging sweet..kasi alam ko naman na sa paglipas ng mga araw, nawawala rin yun. >.< Medyo praktikal na ako ngayon. Hehe. Kahit na hindi pa ako nagkaka-boypren, hindi naman ibig sabihin 'non na hindi pa ako kailanman nasaktan. Maniwala ka, kung gagawing pelikula ang mga naging karanasan ko, paulit-ulit lang ang tema: sawi sa pag-ibig. Naranasan ko na siguro halos lahat. (MEDYOFEELING) Merong crush na mas matanda sa akin, merong mas bata, meron ding salawahan na manliligaw, meron din yung iniwan nya yung girlfr niya para sa akin (CHOS) meron din yung close friend na crush pero hindi lang talaga nya ako feel, may crush na pinaasa ako dahil alam niyang crush ko sya, at meron din yung muntik nang maging kami, it turns out, bakla pala. Alam no yun, yung parang circus yung naging love story ko, may iba't ibang rides, masaya, nakaka-excite, pero iisa lang ang ending..malungkot, bigo, at nakakaiyak lahat. Pero alam mo, nakakatawa rin kasi sa tingin ko yata, yung pagiging super romantic ko, parang ako na yung manliligaw. Halos lahat ba naman ng naging crush ko, sinulatan ko ng liham, ginagawan ko pa ng tula. <3 HAHA nakakatawa! lol pero hindi ko pinapabasa sa kanila. Tinatago ko lang yung mga ginawa ko, minsan tinatapon.

Sa kabila ng lahat, di pa rin naman ako sumuko. Noon, nakaka-inis yung mga magkasintahan na naglalagay ng mga larawan nila sa facebook. Kasi alam mo, mas nararamdaman ko kung ano yung wala sa akin. Pero hindi nagtagal, naisip ko, masaya palang tingnan ang mga larawan nila. Kasi, sa bawat larawan, nararamdaman ko na magkakaroon din ako ng ganyang larawan balang araw. Hanggat buhay pa ako, naniniwala ako, meron talagang lalaking ipinanganak para sa akin. Magtatagpo at magtatagpo ang mga landas namin, anuman ang mangyari. Naisip ko, hindi ko na siguro mararanasan yung teenage love, yun bang mga tweetums na nararanasan ng mga estudyante! <3 Alam mo na, medyo matanda na ako! HAHA pero okay lang, tanggap ko na may dahilan kung ba't nangyayari ang mga bagay-bagay. ;)

Sa tingin mo, ikaw na kaya yun? Naalala ko tuloy kung pano ka ngumiti nung nagkita tayo. Hinding hindi ko makakalimutan kung paano mo ako binati ng "UUUUIIII!!!" mas lumawak yung ngiti ko. At dahil hindi tayo masyadong nag-uusap 'non, napatingin ako sa braso mo, at nakita ko yung peklat mo. Medyo adik nga, kasi mas nagustuhan kita, kasi naramdaman ko na kung saan man nanggaling ang peklat na yun, sigurado ako, matapang ka, hindi ka basta-basta sumusuko sa mga hamon ng buhay. (WEEEH?! Ang lalim agad ng kahulugan ng peklat besss! HAHA) Tas hindi ako makatingin sa mukha mo kasi, baka mahuli mo ako. Alam mo ba kung gaano kahirap pigilan na tingnan ka? -_- Sinabi ko na lang sa sarili ko; "Oi day, wag kang masyadong oversss, baka magselos si right guy, baka magtampo yun sayo kasi ang dali mong magkagusto. Hindi ka makapaghintay sa kanya!" So ayun, kumalma ako. Alam mo, nung umalis ka na, parang may nawala. Tao, malamang HAHA, pero seryoso, na-miss kita agad. Naisip ko, sana, magkita tayo ulit. Sana maulit muli. :') LOL

Ginawa ko ang post na ito in Tagalog kasi mas sweet basahin. Mas ramdam ang ibig kong ipahiwatig. Ginawa ko ang post na ito para kung sakali ay maligaw ka sa blog ko, malaman mo na sa ikatlo ng Pebrero taong 2014, habang ako ay papauwi at nararamdaman ko ang malamig na hangin na sumasalubong sa aking mukha, iniisip kita. Patuloy pa rin akong umaasa.

 At higit sa lahat, ginawa ko ang post na ito para malaman mo na sa araw na ito, sa wakas ay nagkaroon ako ng lakas ng loob para gawin ang isang bagay. Hindi naman ako perpekto. Sa tingin ko nga, medyo marami akong mga pagkakamali para dinggin Niya ang panalangin ko. Feeling ko, hindi ako deserving sa'yo. Kasi matino kang tao, napakabait mo (sabi ng girl-friends mo), at higit sa lahat, hindi ka warshock, magkaiba talaga tayo. :'( Gayunpaman, sinubukan ko. Sinubukan ko ang isang bagay na alam kong maaaring hindi kailanman mapagbibigyan. This time, I have been more specific. Hiningi kita kay Lord. :')


No comments:

Post a Comment